-- Advertisements --
Iginiit ng aktor na si Matteo Guidicelli na hindi totoo ang ulat na sinuntok niya ang bodyguard ng singer-actress na si Sarah Geronimo sa gitna ng kanilang “secret” wedding nitong Huwebes, February 20.
Sa isang interview, itinanggi ng 29-year old actor turned Army reservist na sinaktan niya ang close-in security ng Pop star royalty na si Jerry Tamara.
“Wala akong sinuntok.”
Bali-balita na biglang sumulpot sa civil wedding rites ng dalawa ang ina ni Sarah na si Mommy Divine para kausapin ang anak.
Wala raw kasi itong ideya na ikakasal na si Sarah sa almost 6-years boyfriend nitong si Matteo.
Batay sa mga ulat, natuloy pa rin ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Pero naghain ng reklamo sa Taguig City Police si Tamara dahil sa sinasabing insidente.