-- Advertisements --

Dumistansiya si Matt Evans kaugnay sa pagkakaaresto nito muli nitong huling araw ng Hulyo habang nasa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila.

Nabatid na walang nabanggit ang 33-year-old actor kung nabayaran ba nito ang halos P40,000 na piyansa para sa reklamong hindi raw nito pagbibigay ng sustento sa anak niya sa dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Gayunman, nagpapasalamat daw siya sa Diyos para sa negosyanteng kanyang napang-asawa na si Riza Katrina at tiyak aniyang malalampansan nila ang anumang pagsubok lalo’t tatlo ang kanilang anak na nagsisilbing lakas.

Matt with Melissa former love team

Unang lumabas ang ulat na dinakip si Evans dahil sa kasong physical abuse noon pang 2012 pero sinasabing nadismis na.

Unang lumabas ang ulat na dinakip si Evans dahil sa kasong physical abuse noon pang 2012 pero sinasabing nadismis na.

Ang kanyang misis Riza Katrina ay dati na ring hinuli ng mga otoridad noong 2019 dahil naman sa kasong estafa.