Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi at 50 naman ang nasugatan dulot ng matinding pag-ulan sa Pakistan na nagbunga ng pagkasira ng mga bahay at landslides.
Ayon sa provincial disaster management authority, karamihan sa mga nasawi ay babae at mga bata.
Limang katao naman ang namatay sa southwestern Balochistan province matapos magbaha rito dahilan para mapilitang gumamit ng bangka ang awtoridad upang mailikas ang 10,000 na katao.
Ayon sa ulat ni chief minister in Balochistas Sarfraz Bugti, 700 na mga kabahayan ang nasira ng matinding pag-usal.
Nakapamahagi na ang Pakistan ng 28 tonnes ng food rations sa 1,300 na pamilya.
Base sa United Nations, ang Pakistan ay kasama sa 10 pinaka-vulnerable na bansa sa climate change kahit na almost zero ang kontribusyon nito sa global carbon emissions.