-- Advertisements --

Aminado ang Department of Education (DepEd) na teenage pregnancy ang pangunahing dahilan ng mataas na kaso ng dropout sa mga paaralan.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, problema sa pamilya at maagang pagpapakasal ang ilan sa mga sanhi kung bakit maaga ring nabubuntis ang mga kabataang babae.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, lumabas halos 3-milyon ang bilang ng school dropouts sa nakalipas na taon.

“The number showed that the reason for the high number of dropout rate of girls is marriage and family matters, which can be treated also as teenage pregnancy,” ani Briones.

Sa ilalim nito, 32-percent ang mga babaeng nasa edad 16 hanggang 24-anyos na napilitang mag-asawa.

Nitong Miyerkules nang humarap sa budget hearing ng Kamara ang DepEd at dinepensahan ang P518-bilyong pondo na target para sa 2020.

Ayon kay Briones, isaa ang implementasyon ng Reproductive Health Law sa mga target tutukan ng kagawaran para sa mga estudyante ng public schools.