
Nakahanay na ang plano para sa massive infrastructure development sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa panahon ng Administrasyong Marcos.
Sinabi ni Philippine National police Academy Acting Director Police Brigadier General Eric Noble na base na din ito sa kanilang camp development masterplan
Target aniya sa police academy na sa bawat taon ay mayruong ma-inaugurate at magkaroon din ng ground breaking sa kanilang panig.
Sa ngayon ayon Kay Noble ay nasa mahigit P1 billion na project ang itinatayo sa PNPA na naumpisahan nitong nakaraang Agosto matapos mabimbin dahil sa COVID pandemic.
Ilan na dito ay ang pagpapatayo ng ospital, gymnasium Kasama na ang motor pool pati na Ang konstruksyon ng bagongcadet battalion area at pagsesemento Ng mga daan sa akademiya.










