-- Advertisements --

Nagsagawa ng mass wedding ang Afghanistan.

Nasa 50 pares ang sabay-sabay na ikinasal bilang paraan nila na makatipid sa gastos.

Isinasagawa nila ang nasabing seremonya dahil sa taas ng mga gastusin sa pagpapakasal.

Ginanap ito sa Kabul kung saan ang mga ikinasal ang siyang nagdadala ng mga kagamitang gagamitin sa seremonya.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal sa nasabing bansa ang pagsasayaw at pagpatugtog mula ng mamuno ang Taliban noong 2021.