LEGAZPI CITY- Nagpaabot ng taos pusong pagbati ang Masbate Provincial Tourism Office kay newly crowned Miss International Philippines 2021 Hannah Arnold matapos ang tagumpay nito sa prestihiyosong pageat.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Tourism officer Gerardo Presado, sinabi nito na hindi pa batid sa ngayon kung kailan makakauwi si Hannah sa lalawigan subalit pinagahandaan na nila ang homecoming nito.
Paliwanag ng opisyal na tinitingnan nila ang lahat ng anggulo sa naturang aktibidad upang masiguro na masusunod an health protocol.
Isinalarawan rin ni Presado si Hannah bilang isang mabait at totoong tao.
Dagdag pa nito na nagtrabaho pa ang Bicolana beauty queen upang may magamit na panggastos sa Binibining Pilipinas journey nito.
Dahil niya sa pagsisikap ni Hannah ay naabot ito ang minimithing korona habang tiwala naman ang mga kapwa nito Masbateño na malayo pa ang mararating nito.