-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hindi inalintana ng mga blood donors ang masamang lagay ng panahon para makapag-donate ng dugo sa Dugong Bombo 2021 sa Calinog, Iloilo.
Ang matagumpay na blood donation ay bunga nang pagtutulungan ng Bombo Radyo Iloilo, Local Government Unit ng Calinog at Philippine Red Cross.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Justin Pulohanan, Chairman ng Sangguniang Kabataan sa Cabugao, Calinog, Iloilo, sinabi nito na alam niya na sa pamamagitan nang pag-donate ng dugo ay may buhay na madudugtungan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Nanawagan rin si Pulohanan sa publiko na mag-donate rin ng dugo sa mga gaganapin pang Dugong Bombo.