Target na maipatupad ang mas malaking rebate o diskwento sa singil ng tubig sa buwan ng Pebrero.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System- Regulatory office (MWSS-RO) ang P27.477 million penalty sa Maynilad Water Services Inc., na nakatakdang i-refund ng concessionaire sa piling mga customer lalo na sa souther area ng Luzon na apekatdo ng water service interruptions sa nakalipas na mga buwan kung saan mayroong iba na wala talagang suplay ng tubig sa loob ng ilang araw.
Ayon kay MWSS officer-in-charge at Deputy Administrator for Customer Service Regulation Lee Robert Britanico na ang naturang halaga ay na-compute matapos ang ilang mga konsultasyon at validations.
Una rito, base sa imbestigasyon ng MWSS-RO, nadiskubre na nilabag ng Maynilad ang service obligation nito ng uninterrupted na 24 oras na suplay sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTPs).
Nagbabala din ang opsiyal sa posibleng kakulangan ng suplay ng tubig sa susunod na taon sakaling magtuluy-tuloy ang pagtaas ng demand sa concession areas na komokonsumo ng tubig sa gitna ng limitadong suplay.
Aniya, sa ngayon mayroon pang suplay ng tubig subalit kapag walang baging pagkukunan ng tiubig o pagtaas sa suplay ngayong taon posibleng magkaroon ng problema.










