-- Advertisements --
image 410

Posibleng lalo pang tataas ang bilang ng mga mangagawang magkakaroon ng trabaho sa pagpasok ng ikatlong kwarter ng taon.

Batay kasi sa resulta ng pinakahuling Business Expectations Survey na isinagawa ng Banko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang employment outlook para sa 3rd quarter.

Noong unang kwarter kasi ay umabot lamang sa 13.4% ang employment outlook habang umabot na sa 17.9% para sa susunod na kwarter.

Ayon sa BSP, nangangahulugan itong mas marami ang mga business owners na nagbabalak na kumuha ng mga dagdag na empleyado, bago pa man ang tuluyang matapos ang taon.

Sa kabila nito, bumaba naman ang employment outlook index sa bansa, para sa susunod na 12 buwan, batay pa rin sa lumabas na resulta ng survey.

Umabot lamang sa 30% ang outlook index para sa susunod na labindalawang buwan kumpara sa 36.4 nitong nakalipas na 12 months, na isinagawa nitong nakalipas na kwarter.

nangangahulugan itong mas mababa ang employment prospects o volume ng trabaho na maaaring mapasukan sa susunod na labindalawang buwan, dito sa bansa.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ng demand para sa mga mangagawa sa susunod na kwarter ay ang posibleng expansion o paglaki ng mga negosyo sa bansa.

Kabilang dito ang mga negosyong may kaugnayan sa elektrisidad, petrolyo, agriculture, forestry, at sa mining sector.