
Asahan na raw ang mas marami pang space missions ang ilulunsad sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Philippine Space Agency (PhilSa) Director General Dr. Joel Joseph Marciano na sa katunayan ay kasalukuyan nang ina-assemble sa ngayon sa laboratoryo ang Diwata-3 microsatellite at sa mga susunod na buwan ay ipapadala na ito sa International Space Station (ISS).
Kung maalala, matagumpay na nailunsad ang Diwata-1 satellite noong Marso 23, 2016 na idineplo sa orbit mula sa ISS noong April 27, 2016 sa ilalim ng pangangasiwa noon ng Department of Science and Technology (DOST).
Ito ang kauna-ubahang Philippine microsatellite at kauna-unahan ding satellite na ginawa at dinisenyo ng mga Pinoy.
Ang Diwata-1 ay mayroong three optical instruments para sa scientific earth observation:
Una ang High Precision Telescope (HPT) na puwedeng gamitin para sa pag-aaral sa extend ng mga damages mula sa natural disasters, Space-borne Multispectral Imager (SMI) na mayroong Liquid Crystal Tunable Filter (LCTF) na magagamit para sa pag-assess sa pagbabago ng vegetation and ocean productivity studies at ang Wide Field Camera (WFC) na kayang makakuha ng cloud patterns at weather disturbances.
Mayroon din itng isang engineering control instrument, Middle Field Camera (MFC), na ginagamit para tulungang matunton ang mga larawang nakuha ng High Precision Telescope at Multispectral Imager.
Susunod namang ilulunsad sa taong 2025 ang satellite na pinangalanang Multispectral Unit for Land Assessment (MULA) na una sa mga “next-generation satellites” na nasa ilalm ng Philippine space program at may bigat na 130 kilograms.
Ito na ang pinakamalaking Filipino-made satellite na ilulunsad sa kalawakan.
Mayroon itong TrueColour camera na mayroon kapasidad na ma-capture ang mga larawan na mayroong 5 meters o 16 ft resolution at wide swatch width na 120 km (75 mi).
















