Inaasahan ngayon na mas marami pang mga kolaborasyon ang isasagawa ng pilipinas at mga bansang kasapi sa European Union sa susunod na mga panahon.
Ito ay matapos ang naging pagbisita ni EU ambassador to the Philippines luc Véron sa AFP General headquarters sa Camp Aguinaldo kung saan siya nakipagpulong kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Ayon kay afp public affairs chief ltcol. Enrico Gil Ileto, kabilang sa mga natalakay ng dalawang opisyal ay ang ilang security matters para sa masigurong mapoprotektahan ang interes ng bawat bansa sa rehiyon.
Bukod dito ay tiniyak din ng eu ambassador ang kanilang suporta at pagiging katuwang para makamit ng bangsamoro autonomous region in muslim mindanao ang tuloy-tuloy na kapayapaan at pag-unlad.
Samantala, dahil dito ay lubusan naman ang ipinahayag na pasasalamat ni AFP Chief Brawner ang mga naging pahayag na ito ng EU envoy.