-- Advertisements --
image 747

Inaasahan ang mas marami pang mag kompaniya mula sa ibat ibang mga bansa ang mamumuhunan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang naturang pamumuhunan ay sa sektor ng oil and gas exploration, sa ilalim ng pamamahala ng Department of Energy(DOE).

Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, kinabibilangan ito ng mga bansang mula sa Gitnang Silangan, katulad ng Qatar at Saudi Arabia.

Ayon sa kalihim, may direktang pagkakaugnay ang BARMM at mga bansa sa Gitnang Silangan, na siyang pangunahing rason kung bakit nais ding tumulong ng mga bansa roon.

Kabilang sa mga lugar na nakikita nilang may potesyal sa oil industry ay ang Sulu Sea na nananatiling hindi pa nagagalugad, kasama na ang kabuuan ng Maguindanao, Cotabato, at iba pang mga teritoryo ng Bangsamoro.

Malaki aniya ang potensyal ng mga likas yaman ng naturang rehiyon, na siyang nakaka-enganyo sa mga mamumuhunan sa ibang bansa.