-- Advertisements --

Kinukonsidera ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang posibilidad na palawakin pa lalo ang regulatory incentives para sa mga bangko na may ipinapatupad nang hakbang para sa sustainable financing.

Ayon sa central bank, kabilang sa mabibigyan ng mas marami pang regulatory incentives ang mga bangko na ginagamit ang kapital para matugunan ang mga kinukonsiderang urgent global challenges.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na tinitingnan nila sa ngayon ang paggamit ng preferential rediscount rate o pagkakaroon ng probisyon para sa mas mataas na loan values upang mahikayat ang mga bangko na magkaroon ng tinatawag na “green loans” o para sa “sustainable investments.”

Sa ngayon ay maingat na pinag-aaralan nila ang mga potential incentives na ito para hindi naman magkaroon ng “unintended consequences.”

Nabatid na ang extension ng regulatory incentives ay kabahagi ng third phase ng Sustainable Finance Framework, na ang first phase ay sinimulan noong Abril 2020.

Sa ilalim ng Framework na ito, inaasahan nila na magkroon ng progressive increase ang mga banko sa kanilang loan allocations para sa green o sustainable projects bilang bahagi ng kanilang strategic environmental at social objectives.