Higit pang mga tauhan ng air force mula sa Pilipinas at Estados Unidos ang sasama sa ikalawang pag-ulit ng Cope Thunder war games, na kamakailan ay nagpatuloy pagkatapos ng mahigit tatlong dekada, ayon sa Philippine Air Force (PAF).
Sinabi ng tagapagsalita ng PAF na si Col. Maria Consuelo Castillo na ito ay dahil sa likas na katangian ng ehersisyo, na tututukan sa paglalagay ng mas maraming tropa sa buong bansa, kabilang ang mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Aniya, posibleng mahigit 1,000 tropang Pilipino at Amerikano ang makikibahagi sa mga darating na pagsasanay.
Hindi tulad ng unang iteration na kung saan ang mga fighter jet ay ang pangunahing ginamit, sa pangalawang iteration ng mga drills ay pangunahing gagamitin naman ang mga cargo aircraft.
Ang unang iteration ng Cope Thunder, na sinalihan ng 225 tropang Amerikano at 330 tauhan mula sa PAF, ay nagsimula noong Mayo 1 at tatagal hanggang Mayo 12 ng kasalukuyang taon.
Nagsimula ang Cope Thunder sa Pilipinas noong 1976 at nagpatuloy hanggang noong 1990.
Itinigil ang mga pagsasanay matapos umalis ang militar ng US sa Clark Field at Subic Bay noong 1991 dahil sa pinsala sa pagsabog ng Mt. Pinatubo noong Hunyo ng taong iyon at pagkatapos ding bumoto ang Senado ng Pilipinas laban sa pagpapalawig ng lease sa mga pasilidad ng militar ng US sa ating bansa.