Lalo pang palalakasin ang civil rights provisions ng proposed Anti-Terrorism Act of 2020 sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, ayon sa isa sa mga may-akda ng naturang panukala.
Sinabi ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na isusulong niya na maisama sa IRR ang isang buong section na dedicated lamang sa pagpapanagot ng mga opisyal na magmamalabis sa kanilang mandato.
Kabilang na aniya rito ang otomatikong paghahain ng criminal, administrative at civil cases laban sa mga opisyal na mag-aabuso ng kanilang diskresyon sa anti-terrorism operations.
Kasabay nito ay binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan na maisabatas ang panukala dahil ang Pilipinas aniya ay nasa pang-siyam na puwesto at tanging Southeast Asian Country na napasama sa top 10 ng Global Terrorism Index.
Hindi kasi aniya sapat ang Human Security Act of 2007 para sugpuin ang mga sangkot sa terorismo dahil sa ilalim nito ay hindi pinahihintulutan ang mga otoridad na gabulin ang isang foreign terrorist kahit sa sariling bansa dahul hindi legally defined ang kahulugan ng isang foreign terrorist.
“The threat of terrorism is a clear and present danger now. People forget that just last year, we had our first suicide bombing in Jolo and in that suicide bombing, there was an actionable intelligence to prevent such suicide bombing. However, the Human Security Act of 2007 does not enough teeth that would have allowed us to stop the suicide bomber even before he could carry out his mission,” ani Nograles.
Sa ilalim ng Human Security Act of 2007, kailangan magkaroon muna ng predicate crime para maaresto ang isang suspected terrorist.
Iniwawasto aniya ito ng proposed Anti-Terrorism Act of 2020 dahil may kapangyarihan ang mga otoridad na arestuhin kaagad ang suspected terrorist bago pa man ito makagawa ng karumaldumal ng krimen.










