-- Advertisements --
MGA TAO

Bagaman mataas pa rin ang hunger rate sa Pilipinas, lumalabas na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom.

Ito ay batay na rin sa inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station, na isinagawa nitong March 26 – 29.

Lumalabas sa nasabing survey na 9.8% ng mga pamilyang Pilipino o katumbas ng 2.7Million ang nakakaranas ng involuntary hunger o kagutuman. Ibig sabihin, sa nakalipas na tatlong buwan, may mga pagkakataong hindi sila nakakain sa loob ng isang araw.

Mas mababa ang nasabing bilang mula sa 2.9Million families o 11.3% na naitala noong huling kwarter ng 2022, batay pa rin sa isinagawang survey noon ng SWS.

Sa likod ng pagbaba, sinabi ng SWS na ang 9.8% hunger rate ay mas mataas pa rin kumpara sa naitala noong December ng 2019, ilang buwan bago ang pandemiya. Noon ay naitala ang 2.1Million families.

Ayon pa sa SWS, ang hunger rate ay binubuo ng mga sumusunod: 8.6 dito ay nagsabing nakaranas sila ng moderate hunger, at 1.2 ay nakaranas ng sever hunger.

Pinakamataas dito ay mula sa Mindanao na may 11.7%, sinundan ng Metro Manila na may 10.7%. Ang Visayas ay may 9.7%, at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay may 8.7%.