Mas malawak pang lugar sa Pilipinas ang makakaranas ng epekto ng El Nino phenomenon sa buwan ng Disyembre.
Ayon sa data ng Department of Science and Technology (DOST), aasahan na ang mga palatandaan ng phenomenon sa mga sumusunod na lugar:
DRYCONDITION:
Abra, Ilocos Norte, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro, Antique
DRY SPELL:
Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Aurora, Palawan, Misamis Occidental, Tawi-Tawi
DROUGHT:
Batangas, Cavite, Oriental Mindoro
Sa pagpasok naman ng Enero ng 2024, tinatayang madodoble at magti-triple pa ito hanggang sa buwan ng Mayo.
Kaugnay nito, mas mababang bilang ng ulan, kakulangan ng tubig at malalakas na bagyo ang iba pang posibleng epekto ng pag-iral ng El Nino.