Naging madalang na ang pag-alis ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Sabado.
Ayon kay Kolyn Calbasa, senior corporate affairs officer ng PITX, maaaring nakabyahe na ang karamihang byahero noong mga nakaraang araw kaya naging madalang na ang pag-alis at pagdating ng mga ito ngayong araw.
Nabatid na nagsimulang bumaba ang bilang ng mga pasahero noong Huwebes at Biyernes.
Nagkaroon lamang ng nasa 83,000 passengers o mas mababa kaysa sa 191,179 passengers noong Miyerkules.
Magugunitang nagdeklara ng half day na trabaho na lamang noong Marso 27 kaya marami na ang agad na umuwi sa mga lalawigan at hindi na naghintay ng ibang araw.
Inaasahan naman ang balikan ng mga bakasyunista sa darating na Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.