-- Advertisements --

Humirit naman ang Maryland Department of Transportation ng $60 milyon sa federal emergency relief funding para sa gagawin nilang pagtanggal sa mga bahagi ng natumbang tulay.

Bahagi rin ng nasabing pondo ang pagpapatayo ng nasabing tulay.

Sinabi ni Maryland Gov. Wes Moore, na ang pondo ay para sa paglalagay ng foundation sa pagbabalik ng tulay.

Nauna ng sinabi ni US President Joe Biden na sasagutin ng federal government ang lahat ng gastusin para sa pagtatayo muli ng tulay.