Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mahalaga na posibileng mapalawig pa ang umiiral na Batas Militar sa Mindanao, ito ay para masupil ang “lawless violence.”

Batay sa isinagawang initial assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may pangangailangan na palawigin ang martial law sa Mindanao pero hindi ibig sabihin ideklara ito sa buong bansa.

Pahayag ng kalihim na sa ngayon wala silang nakikitang dahilan para ideklara ang Batas Militar sa buong bansa.

Una ng sinabi nina AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez at PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na pabor sila sa extension sa martial law lalo na papalapit ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law at ang May 2019 midterm elections.