-- Advertisements --

Hinimok ng isang kongresista ang pamahalaan na huwag ihinto ang martime patrols sa West Philippine Sea kasunod ng agrisibong pagkilos ng China sa lugar kamakailan.

Ginawa ito ni House Committee on National Defense vice chairman at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon matapos na naglabas ng summon si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. para kay Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian hinggil sa “illegal” na pananatili ng Chinese martime milita fleet sa Julian Felipe Reef sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay Biazon, tama lang na ipinatawag ni Locsin ang ambassador ng China sa Pilipinas.

Pero bukod dito, dapat patuloy pa rin aniyang magpatrolya ang mga barko ng Pilipinas sa area katulad nang ginawa kamakailan ng eroplano ng Philippine Air Force.

Dapat ay ituloy na rin aniya ng Pilipinas ang partisipasyon nito sa maritime drills kasama ang ibang mga bansa.

Kamakailan lang ay hindi sumama ang Pilipinas sa navy drills sa disputed South China Sea para hindi ma-antagonize ang Beijing.