-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sa kabila ng nakaraang trahedya, itutuloy pa rin daw ng Philippine Coast Guard (PCG) – Western Visayas ang maritime exercise nito sa Iloilo Strait.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Capt. Erlinda Benliro, station commander ng PCG-Iloilo na parte ng kanilang limang araw na training para sa mga bagong recruit na personnel ang aktibidad.
Magsisilbi umanong culminating activity ng bagong PCG personnel ang Water Search and Rescue Training.
Tiniyak naman ng opisyal na maayos nilang isasagawa ang hakbang dahil kumpleto ang kanilang mga gamit sa karagatan.
Matatandaan na sa Iloilo Strait nangyari ang pagtaob ng tatlong motorbanca na ikinamatay ng 31 ka tao.