-- Advertisements --
DAVAO CITY – Itinakda na ngayong araw ang Marine Pollution Exercise 2019 na dadaluhan ng tatlong foreign vessel.
Dalawa rito ay mga barko mula sa Indonesia at Japan, maliban pa ang sa Philippine Coast Guard.
Kung maaalala, mainit na tinanggap ang dalawang foreign vessels nang dumating ang mga ito sa Sasa port nitong nakaraang araw.
Ayon pa kay Commodore Roy Echeverria, commander ng Coast Guard Davao South Eastern Mindanao, sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay mapapaunlad pa ng coast guard ng Indonesia, Japan at Pilipinas ang magandang samahan.