-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Maritime Industry Authority (Marina) ng tatlong buwan ang bisa ng magpapasong mga dokumento ng mga Pilipinong tripulante na apektado ng tensiyon sa Middle East.

Sa inilabas na abiso ng ahensiya ngayong Sabado, Abril 25, nilinaw ng ahensiya na saklaw lamang sa extension ang mga seafarer na nananatiling nakasampa sa mga barko at ang naantala ang pagbaba dahil sa giyera.

Ayon sa Marina, magiging epektibo ang tatlong buwan mula sa expiration date ng mga dokumento ng hindi na kailangan pang maghain ng aplikasyon sa ahensiya.

Kabilang sa mga dokumentong saklaw sa extension ang lahat ng mga holders ng Seafarer’s Record Books (SRBs), Seafarer’s Identification and Record Books (SIRBs), at Seafarer’s Identity Documents (SIDs), na may expired OR pagsapit ng Hunyo 2026 habang nakasampa sa mga barkong nago-operate sa mga lugar na apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.

Inatasan naman ang lahat ng shipping companies, may-ari ng mga barko at Licensed Manning Agencies na iulat ang lahat ng sakop na mga kaso sa Marina.