-- Advertisements --
Isinailalim muli sa first alarm ang Marikina River matapos na umabot pa sa 15 meters ang lebel ng tubig nito dahil sa malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Hanna at habagat.
Batay sa pinakahuling tala ng Marikina Public Information Office, tumaas ang lebel ng tubig ng naturang ilog sa 15.3 meters.
Kung matatandaan, itinaas ang unang alarma noong Huwebes, ngunit kalaunan ay nag-normalize ang lebel ng tubig ng ilog.
Sa ngayon, mahigpit na pinapayuhan ang mga residente na malapit sa ilog na mag-ingat at maging handa sa anumang insidente na posibleng mangyari na dulot na malakas na pag-ulan.