-- Advertisements --

Itinaas na sa firs alarm ang water level ng Marikina River dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, na nitong umaga ng Huwebes ay umabot na sa 15.6 meters ang level ng tubig.

Ang malakas na pag-ulan kasi na mayr average na 130mm ay bumagsak sa Marikina at Cainta dakong alas-3 ng umaga.

Paglilinaw naman nito na mabilis namang humupa ang mga tubig baha.

Magugunitang itinaas ng PAGASA sa Orange Rainfall Warning sa Metro Manila, Bataan at Zambales kabilang ang San Antonio, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, Olongapo at San Marcelino.