-- Advertisements --
Maagang pinasalamatan na ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga supporters nito.
Ito ay matapos na umarangkada ang kaniyang kalamangan sa partial-unofficial result ng bilangan sa pagkapangulo.
Sa kaniyang talumpati sa BBM headquarters sa lungsod ng Mandaluyong, sinabi nito na kahit hindi pa natatapos ang bilangan ay hindi na makapaghintay ang kaniyang pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa kaniyan kandidatura.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga grupo at indibidwal ay naniwala sa mensahe nitong pagkakaisa.
Patuloy din ang panghihikayat nito mga mamamayan na maging mapagmatyag dahil kung tutuusin ay hindi pa natatapos ang bilangan.










