-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukala ng Department of Health (DOH) na pagsama sa unang booster dose kontra COVID-19 para masabing fully vaccinated ang isang indibidwal.

Ito ang isa sa natalakay sa pakikipagpulong ng pangulo sa mga opisyal ng DOH kasama ang Inter-agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases, at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Layunin ng additional requirement na ito na mapataas ang antas ng proteksyon ng isang indibidwal laban sa infectious disease.

Ito ay bahagi rin ng plano ng gobyerno na paghahanda para sa pagbabalik ng 100% ng face to face classes sa mga paaralan sa buwan ng Nobyembre.

Sa kasalukuyan, tanging dalawang primary doses ang kailangan para masabing fully vaccinated ang isang indibidwal kontra COVID-19.