-- Advertisements --
image 220

Positibo ang Marcos administration na mauungusan ang paglago ng ekonomiya noong 2022.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, inaasahang malalagpasana ng itinakdang target ng pamahalaan na 6.5% hanggang sa 7.5% na economic growth para ngayong taon.

Ginawa ni Diokno ang naturang pahayag sa isang luncheon meeting para sa Philippine delegation sa Davos Switzerland kasabay pa rin ng isinasagawang World Economic Forum.

Ayon pa sa Finance chief na ang ekonomiya ng bansa ngayong taon ay nakikitang lalago ng 6.5% sa gitna ng inaasahang global recession na isa aniya sa pinakamataas na growth projection sa Asia Pacific region.

Ibinahagi din ni Diokno ang plano ng pamahalaan na pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga sektor sa foreign equity, pagpapaganda ng ease of doing business at pagpapalakas ng public-private partnership para suportahan ang infrastructure program ng kasalukuyang administrasyon.