-- Advertisements --
Ibinahagi ng veteran actress na si Maricel Soriano ang pagsasailalim nito ng gamutan sa Singapore.
Ayon sa actress na nagtungo ito sa nasabing bansa para ipagamot ang kaniyang spinal arthritis.
Sinabi nito na walang anumang operasyon na isinagawa at sa pamamagitan ng discoplasty kung saan robotics ang gumawa ay nawala na ang kaniyang sakit.
Matapos ang nasabing proseso ay naging malakas na at wala na itong anumang sakit na nararamdaman.
Ang discoplasty ay paggamot sa Spine Disc ng walang anumang operayon na gagawin.
Magugunitang noong nagdiwang ito ng kaniyang kaarawan noong nakaraang mga buwan ay napansin ng kaniyang fans ang hirap niyang pagtayo at paglakad dahil a nasabin spinal arthritis.