-- Advertisements --

Sa kabila ng sinapit sa kamay ng teroristang Maute-ISIS group noong 2017, tila nakaahon na ang Marawi City ayon sa report ng Commission on Audit (COA).

Pinuri ng COA ang lokal na pamahalaan ng siyudad dahil sa mga natapos nitong infrastructure projects noong nakaraang taon na umabot sa higit P850-milyon ang halaga.

Kabilang sa mga ito ang multi-purpose livelihood centers, temporary shelters, mga bagong kalsada at street lights.

Batay sa annual audit report ng COA para sa Marawi, nabatid na tumaas ng 63-percent o nasa P6.2-milyon ang local tax and renevue collection ng siyudad mula sa kita nito noong 2017.

Sa kabila nito, natukoy ng state auditors na kulang ang idineklarang assets ng local government unit dahil sa hindi rin kompletong physical count ng properties at equipment nito na sinira ng nagdaang giyera.

“Management commented that an Inventory Committee was already set up to conduct the required physical count of its properties and is doing its best to identify the damaged properties particularly those located in the most affected areas during the battle of Marawi,” nakasaad sa COA report.