-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin ang organizer ng isang marathon sa southern England matapos na mas mahaba pa ng 500 meters ang kanilang karera.

Napilitan na takbuhin ng mga sumali sa Brighton Marathon ang karera na mas mahaba kaysa sa 26.2 mile na regular marathon.

Ayon sa organizers mas mahaba pa ng 568 meters ang nasabing marathon.

Sinabi ni event director Tom Naylor na kaya humaba ang nasabing takbuhan ay dahil sa nagkaroon cone line sa final marathon course.