-- Advertisements --

Maraming mga katao ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Columbiana Centre mall sa South Carolina.

Agad na inilikas ng mga kapulisan ang mga tao na nasa loob ng mall na matatagpuan sa 320 Columbiana Drive.

Kinordon na rin ng mga kapulisan ang lugar dahil sa insidente.

Wala pang inilalabas na ibang detalye ang mga kapulisan sa nasabing pamamaril.