-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sinira ng malawakang pagbaha ang ekta-ektaryang palayan sa mga barangay sa South Cotabato at Sultan Kudarat na dinadaanan ng Allah River.

Ito ay makaraang nawasak ang dike at mga box culverts sa bahagi ng Barangay Panay, Sto. Nino, South Cotabato kaya’t umapaw ang tubig-baha sa ilog na naging dahilan ng pagkasira ng mga palayan at mga pananim na prutas sa kanilang bayan.

Maliban sa bayan ng Sto. Nino ay apektado rin ang ekta-ektrayang palayan sa Barangay Kulambog, Isulan, Sultan Kudarat na malapit na sanang anihin.

Ayon kay Pepito Cortel, purok chairman ng Purok Bagong Pag-asa, lampas hanggang baywang ang baha sa kanilang lugar kaya’t lumikas sila sa gilid ng daan.

Maging ang mga hayop ng mga residente sa lugar ay apektado rin matapos na inanod ng tubig baha.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang damage assessment sa mga apektadong barangay sa at inaalam din ang kabuuang pinsala ng baha sektor ng agrikultura.