Nagsimula ng dumating ang ilang mga matataas na opisyal mula sa iba’t-ibang bansa para dumalo sa burol ni Iranian President Ebrahim Raisi.
Pinangunahan ito ng mga opisyal ng Russia, India, Turkey, China, Afghanistan, Pakistan, Saudi Arabia , Pakistan, Iraq, Qatar, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain.
May mga special envoys din ang ipinadala ng Oman, Kuwait, Jordan at Syria.
Kasama rin ng dumalo ang mga representatives mula sa Iran-backed armed groups sa Middle East gaya nina Hamas political leader Ismail Haniyeh, Hezbollah deputy secretary-general Sheikh Naim Qassem, Houthi spokesperson Mohammed Abdulsalam at Iraqi Popular Mobilization Forces leader Falih Al-Fayyadh‎.
May malaking impluwenisya kasi ang Iran sa ilang militias lalo na sa mga malapit sa Iranian Islamic Revolutionary Guard Corps.
Sa ngayon ay inaayos na ng Iran ang ilang aktibidad sa burol ni Raisi.
Kung matatandaan ay nasawi si Raisi matapos na bumagsak ang sinakyan nitong helicopter kasama ang ilang mataas na opisyal niya.