Kinondina ng iba’t-bang mga bansa ang patuloy na na madugong pag-atake ng Russia laban sa Ukraine.
Sa ginawang pagpupulong ng mga finance chief ng karamihang western countries sa Bali, Indonesia na nakakaapekto sa ekonomiya ng mundo ang patuloy na atake ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay US Treasury Secretary Janet Yellen na dapat sisihin ang Russia sa mga negatibong nangyayari sa ekonomiya sa buong mundo.
Nararapat na malaman din ng Russia na mayroon silang mga pananagutan dahil sa ginawa nila.
Sinabi naman ni Australian Treasurer Jim Chalmers, na dapat itigil na ng Russia ang pag-atake sa Ukraine para hindi na dumanas pa ng paghihirap sa ekonomiya ang ibang mga bansa.
Magugunitang maraming sibilyan na ang nasawi sa patuloy na military operations ng Russia sa malaking bahagi ng Ukraine.