-- Advertisements --

Maraming katao ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na pagkakadiskaril ng tren sa Switzerland.

Nangyari ang insidente na mayroong 30 kilometro ang pagitan nila sa north ng Swiss capital na Bern.

Ayon sa Bern cantonal police na nagsagawa na ng rescue operations ang mga otoridad.

Itinuturing na dahil sa masamang panahon kaya nagkaroon ng pagkakadiskaril ng nasabing mga tren.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.