-- Advertisements --

Iginiit ng presidente ng Champlain Towers South Condominium Association na nagpadala sila ng sulat sa mga residente ng apartment building na nag-collapse noon pang buwan ng Abril na nagbabala sa lumalalang pinsala sa istruktura.

Unang ini-report ang naitalang pinsala sa istruktura noon taong 2018.

Inihanda na ang isasampang kasong “reckless and negligent conduct” laban sa may-ari ng 12-storey building dahil sa nangyaring deadly disaster.

Napag-alaman na umakyat na sa 12 ang kumpirmadong patay habang 159 missing sa nangyaring trahedya.