-- Advertisements --

Kanselado ang maraming flights sa dalawang malalaking international airports sa Shanghai, China bilang paghahanda sa pagdating ng malakas na bagyo.

Nag-landfall kasi ang bagong Muifa sa China na sumentro sa Zhoushan ang south east ng Shanghai.

Ito na ang pang-12 na malakas na bagyo na tumama sa mainland China ngayong taon at inaasahan na pinakamalakas.

Inaasahan maglalakbay ang bagyo sa Hangzhou Bay at ito ay nag-second landfall malapit sa Shanghai.

Naglagay na rin ang mga otoridad ng temporaryong evacuation center para doon ilalagay ang mga maaapektuhang residente.