-- Advertisements --


Maraming mga paglabag ang naitala dahil sa mas striktong campaign guidelines ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na halalan, ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

Kaya nga mayroon din aniyang mga proposals at appeals ang iba’t ibang mga partido at mga politiko mismo sa Comelec para maluwagan nila ng kaunti ang kanilang mga regulasyon.

Ayon kay Malaya, maaring pag-usapan ang usapin na ito sa isang pagpupulong.

Pebrero 8 nang nagsimula ang campaign period para sa mga national candidates.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na mayroong mga pagkakataon noong campaign kick-off na hindi na nasusunod ang health protocols, tulad ng physical distancing.

Sa ngayon, ipinagbabawal ng Comelec sa campaign period ang pakikipag-kamay, pagyakap, paghalik, at pag-selfie uang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.