Kinondina ng Arab League ang agresibo at barbaric na raids na ginagawa ng Israei sa Gaza Strip kung saan maraming mga sibilyan lalo na mga bata at kababaihan ang nasawi.
Umabo na kasi sa 21 katao ang nasawi at 64 ang sugatan sa ginawang airstrike ng Israel sa Gaza kung saan nagtatago ang mga Palestinian militants.
Bilang ganti na rin ng Palestinian militants na kinokontrol ng Hamas ay nagpakawala sila ng mahigit 300 na rockets patungo sa Israel.
Gumamit naman ng David’s Sling Interceptor ang Israel para maharang ang mga rockets na pinapakawalan ng Pakistan.
Ginawa ang David’s Sling para pabagsakin ang rockets na pinakawalan mula 100 hanggang 200 kilometers.
Bukod pa dito ay gumagamit din ang Israel ng Iron Dome at long-range Arrow-2 at Arrow-3 missiles.










