-- Advertisements --
242709476 336291844947388 6781836871643109166 n

DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng otoridad at ihinahanda na rin ang isasampang kaso laban sa dalawang lalaki na nahulihan ng maraming klase ng armas sa isinagawang checkpoint ng Task Force Davao (TFD) at Calinan Police Station.

Sinasabing maliban sa mga armas na narekober din sa posisyon ng mga suspek ang mga pakete ng iligal na droga.

Sa imbestigasyon ng otoridad papasok sana ng Davao ang suspek na nakilalang si Michael John Lantoria, 40, residente ng Cagayan de Oro City at Sebastian Quiblat, 61, residente ng Misamis Oriental ngunit ng sumailalim ito sa inspeksiyon, narekober mula sa kanyang sasakyan ang 42 na mga 9mm pistol, 18 na shotguns at mga bala.

Sinasabing pagmamay-ari umano nito ng Dephian Security Agency at papunta sana sa General Santos City nang maharang ng otoridad.

Bigo umano ang dalawa na magsumite ng mga dokumento sa kanilang dala na mga armas.

Nabatid na narekober rin ng otoridad ang limang mga pakete ng illegal na druga na nasa P48,000 ang halaga, isang 9mm pistol, isang 380 pistol, isang magazine at pitong bala.

Nasa kustodiya ngayon ng Calinan PNP ang mga suspek at ang mga narekober na armas at iligal na droga na magsisibilbing ebidensiya sa isasampang kaso.