-- Advertisements --

Nagpatupad ng adjustment sa oras ng operasyon ng Manila Zoo.

Ayon sa management ng Manila Zoo na mananatili silang bukas sa araw ng Pasko at Bagong taon.

Ilan sa mga binagong oras ay sa Disyembre 24 at Disyembre 31 ay bukas sila mula ala-9 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Habang sa Disyembre 25 at Enero 1 ay bukas sila mula alas 12 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi.

Maaring mag-set sa online ang pagbisita sa Manila Zoo na mayroong singil na P150 para sa mga residente ng Maynila, edad 3 pataas habang P300 naman ang mga hindi residente ng Maynila.