Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.
Inanunsyo ito mismo ni Lacuna, na isa ring doktor, na ibinahagi naman ng Manila Public Information Office sa kanilang Facebook account.
Sinabi ni Lacuna na sa kabila ng matinding pag-iingat niya ay hindi inasahang siya ay magpopositibo sa COVID-19.
Dahil dito, kinakailangan niyang pansamantalang magpahinga at magpagaling sa sakit.
Kasabay nito ay umaapela siya ng panalangin hindi lamang sa kanya kundi para rin sa paggaling ng iba pang mga tinamaan ng COVID-19.
Nanawagan din si Lacuna sa publiko na patuloy na mag-ingat at sundina ng mgaitinakdang safety protocols sa gitna ng pandemya.
Sa kabilang dako, si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na close contact ni Lacuna, ay negatibo naman sa virus.