-- Advertisements --
Gumaling na ng tuluyan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa COVID-19 matapos siyang mahawa nito noong Setyembre.
Aminado si Advincula na nakaranas siya ng takot at hirap dulot ng respiratory disease na ito.
Pero lubos ang kanyang pasasalamat sa Diyos, kay Inang Berheng Maria, at St. Joseph dahil sa paggaling niya sa sakit.
Samantala, hinimok ng 69-anyos na kardinal ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 dahil ito rin aniya ang nakatulong sa kanya na malabanan ang nakakamatay na virus.
Nagpasalamat din siya sa mga tao na nagkamusta sa kanya at hinimok din ang mga mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga may sakit at frontliners.