-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang isa sa 14 na bagong miyembro ng Dicastery of Bishops.

Ayon sa Holy See Press Office na ang magiging trabaho nito ay tulungan ang Santo Pap sa pag-sala sa mga obispo mula sa iba’t-ibang bansa.

Nauna ng itinalaga si Advincula bilang bahagi ng Congregation for the Clergy noong 2020.

Makakasama rin nito bilang bagong miyembro ang unang babaeng appointees sa nasabing departamento.