-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pangalawang buhay kung ituring ng isang mangingisda sa Barangay Mantanas, Sta. Cruz, Ilocos Sur, ang pagkakaligtas nito matapos na magpalutang-lutang ng dalawang araw sa gitna ng dagat.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ricardo Angala Jr., 28-anyos na residente ng nasabing lugar, ang kaniyang dalawang anak ang inisip nito habang nasa gitna ng karagatan kaya nag-isip ng paraan kung paano makakabalik.

Maganda pa naman aniya ang panahon nang pumalaot ito kasama ang ilan sa mga kapwa nito mangingisda noong January 12, ngunit pagkaraan ng ilang oras ay bigla na lamang umihip ang malakas na hangin at hinampas ng malaking alon ang sinakyan nitong bangka.

Inakala umano ng mga kasamahan nito na nakasunod siya sa kanila, ngunit nasira ang kaniyang makina at bangka.

Upang maka-survive sa gitna ng dagat, kumain ito ng mga seaweeds at kumapit siya sa isang container hanggang sa makarating sa pampang ng Bolinao, Pangasinan.

Dito na siya nakapagpasaklolo sa mga residente at siyang rason kung bakit ito nakauwi sa kanilang tahanan.