CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang manggagawa sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Greg Agan Vicera, 42 anyos, may asawa at residente ng Purok 5 Barangay Greenhills President Roxas North Cotabato.
Ayon sa ulat ng President Roxas PNP na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo papauwi na sa kanyang tahanan ngunit pagsapit niya sa Purok 10 Brgy Greenhills sa bayan ng President Roxas ay bigla siyang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa President Roxas.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.










