BOMBO DAGUPAN – Inilatag ng bayan ng Mangaldan ang mga nakahandang aktibidad sa kanilang bayan para sa nalalapit ng Pindang festival sa buwan ng Marso.
Ayon kay Gerardo De Guzman Ydia, ang Public Order and Safety Office Chief ng bayan, kabilang sa kanilang mga inihandang aktibidad ay ang grand civic parade kung saan ipaparada ang mga kandidata at kandidato ng bayan.
Sunud sunod ding gaganapin ang ilan pang mga aktibidad gaya ng Gabi ng pasasalamat na siyang dadaluhan ng iba’t ibang mga religious sector.
Isa sa mga kilalang aktibidad sa kanilang bayan ay ang tinatawag na ‘Kalutan ed Dalan’ kung saan sabay-sabay na iniihaw ang tapa, na isa sa mga pangunahing produktong kilala sa bayan.
Sa araw na ito, magkakaroon aniya sila ng road rerouting kung saan isasara nila ang main road ng Rizal Avenue mula sa intersection ng isang supermarket.
Bagamat asahan ang matinding trapiko ngunit maglalaan naman sila ng alternatibong ruta para hindi mawala ang mga commuters at dadaan sa kanilang bayan.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kapulisan at ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan upang makipagsanib pwersa sa kanila sa araw na ito.
Nagbigay na rin aniya sila ng flyers para sa mga mahahabang sasakyan at mga business na madalas madaanan.